Nasa tinatayang 1000 tao ang dumalo mula sa Local Government Units (LGUs) at Civil Society Organizations (CSOs) sa isinagawang dalawang araw na konsultasyon para sa Magna Carta of the Poor Draft Implementing Rules and Regulations (IRR) Region V sa Legazpi

Nasa tinatayang 1000 tao ang dumalo mula sa Local Government Units (LGUs) at Civil Society Organizations (CSOs) sa isinagawang dalawang araw na konsultasyon para sa Magna Carta of the Poor Draft Implementing Rules and Regulations (IRR) Region V sa Legazpi Convention Center.

Matapos ang presentasyon ng mga importanteng aspeto ng draft IRR ng Magna Carta mula kay Jake O. Sabdao ng NAPC Research Unit, binuksan ang isang plenary session na naglalayong kunin at pagsamasamahin ang suhestiyon ng mga dumalo upang maisama sa naturang batas.

Kabilang sa mga suhestiyon at concern na
nabanggit ay ang mga sumusunod:
• Malalim nap ag-aaral sa mga kasalukuyang social protection programs para sa mas maayos na implementasyon ng mga nakatakda pang isagawa na mga programa sa hinaharap.
• Mga isyu sa pag-pondo sa implementasyon ng nasabing batas sa local at barangay level.
• Paano isasagawa ang pag-monitor ng implementasyon ng nasabing batas.
• Ang pagbuo ng urban at rural poor offices sa mga probinsya.
• Isyu sa sapat na serbisyong pangkalusugan sa mga malalayong isla.
• Pagbilang sa ibang pang mga institusyon na maaaring makatulong sa probisyon na “Right to Education”.

Ang isinasagawang mga konsultasyon sa iba’t-ibang rehiyon ay parte sa pagbuo ng isang national poverty reduction plan para iangat ang pamumuhay ng mga Pilipino.

“Ang paglaban sa kahirapan ay hindi responsibilidad ng isang ahensiya lamang. Kaakibat ng pagbibigay ng karapatan sa mahihirap ay ang pagbibigay sakanila ng responsibilidad kaya't sisikapin natin na marinig ang suhestiyon ng lahat ng mga sektor sa iba't-ibang rehiyon" ani Sabdao.

Samantala, dumalo rin sa nasabing konsultasyon sina Mayor Nena Bagasbas of Balatan; Mayor Leonardo A. Agor Sr. ng Gainza; Mayor Eduardo A. Severo ng Calabanga; Mayor Fermin Mabulo ng San Fernando, Camarines Sur; Mayor Patricia G. Alsua ng Ligao City, Albay; at Tinambac Municipal Councilor Raquel Reyes.