Ligtas na Dugo para sa Lahat: Mag-alay ng Dugo, Magligtas ng Buhay

Lungsod ng Quezon - Matagumpay na naisakatuparan ang pag aalay ng dugo ng mga kawani at manggagawa ng Pambansang Komisyon Laban sa Kahirapan noong ika-9 ng Oktubre, 2019 sa pook ng National Anti-Poverty Commission (NAPC), MWSS-LWUA Complex, LWUA Covered Court, Katipunan Avenue, Quezon City.

Ayon sa Journal of American Medical Association, ang pagbibigay ng dugo ay nakakabuti sa ating kalusugan upang mabawasan o makaiwas sa complikasyon ng heart attacks at strokes. Tunay nga naman na ito ay nagbibigay buhay hindi lamang sa tumatanggap bagkos sa nagbibigay din.

Sa kabuuan, ang NAPC ay nakapagtala ng apat na pu't limang (45) rehistro at dalawang pu't siyam (29) ang matagumpay na nakapag alay ng dugo. Ito ay katubas ng dalawang pu't siyam na mga bag o 13,050 milliliters (ml), malinis at ligtas na dugo na handang maibahagi sa mga kababayan nating nangangailangan.

Ang proyektong ito ay naisagawa sa pakikipagtulungan ng Contract of Service Employees Association (COSEA), Gender and Development (GAD), Lupon ng Korespondensiya Opisyal (LKO) at ng Philippine Red Cross (PRC) na may pahintulot ng pamunuan ng NAPC.